Martes, Hulyo 9, 2013

1. Pumili ng dalawang teorya kung paano nakarating ang mga tao sa Pilipinas.

I. Teorya ng Migrasyon
  
   Ang teoryang Migrasyon ay isa sa aking napili. Ayon kay Propesor H. Otley Beyer, isang Amerikanong antropologo, na nagsasabi na ang mga Pilipino ay nagmula sa tatlong pangkat ng tao na dumating sa Pilipinas mula sa iba’t-ibang panig ng Asya. Sila'y ang mga Aeta o Negrito, Indonese at mga Malay. 


Unang Pangkat: Aeta o Negrito (40000-25000 tao na ang nakalipas)

- Ang mga Negrito ang bumubuo sa mga pinakamatanda o sinaunang mga nabubuhay pang grupo sa Pilipinas
Tinatawag ding mga pygmy o pigmi (mga maliliit na tao), at mabababa ang taas kaysa mga pangkaraniwang mga Pilipino
- Walang permanenteng tahanan
- Nagmula sa Timog-Silangang Asya
- Ginamit ang tulay na lupa noong panahon ng Pleistocene


Ikalawang Pangkat: Indones (8000-3000 taon na ang nakalipas)
Sinasabing may dalawang pangkat ng mga Indones na dumating.

Unang pangkat:
Dumating sila sa kapuluan sakay ng mga bangka
-  Itinulak ang mga negrito sa kabundukan
- Nasa ibabaw ng lupa o itaas ng mga puno ang kanilang mga tahanan
Pinaniniwalaang ninuno sila ng mga Ilongo ng Sierra Madre at ng Caraballo
Mas makabago ang kanilang kalinangan kung ihahambing sa mga Negrito

Pangalawang pangkat:
Nagmula sila sa tangway ng Indo-Tsina at Gitnang Asya, at tumira sa mga baybay ng Luzon
Mas maunlad ang kanilang pamumuhay kaysa naunang pangkat
- Pinaniniwalaang sila ang gumawa ng Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe


(Ikatlong Pangkat: Malay (2000 taon na ang nakalipas)
Mga Malay ang tawag sa mga pangkat etnikong Awstronesyo
- Sakay sila ng bangka na tinatawag na balangay
Tumira sila sa Pilipinas ng 100 hangang 200 na taon
- Mula sa Timog-silangang Asya
- Ninuno ng mga Tagalog, Pampango, Bisaya, Ilokano, at iba pang Pilipino sa kapatagang bahagi



II. Teorya ng Austronesyano
- Ang teoryang ito ay tungkol sa maramihang paglipat ng mga tao sa mga isla ng Timog-Silangang Asya at Pasipiko. Sila ay nagmula sa South China. Mula sa Madagascar sa kanluran hanggang sa Pulo ng Easter (Easter Island) sa silangan at mula sa Taiwan sa hilaga at Nueva Zelandia (New Zealand) sa timog. Pinaniniwalaang pinaghalong lahing Mongoloid o taong madilaw at Australoid o taong maitim.
Ang wikang Austronesian ay batayan ng maraming wika sa Pilipinas. May 87 wika sa Pilipinas ang nauugnay sa mga Austronesian
- May pagkakahawig ng kultura at wika ng mga Austronesian at mga Pilipino 
- Unang nagdala ng agrikultura sa Pilipinas. Sila'y nagtatanim ng ube, kamote, palay, atbp.
- kultura nila ang paglalayag

2. Naniniwala ka ba sa Teorya ng Tulay?
    Hindi. Sapagkat ayon sa teorya ni Fritj of Voss, kabit-kabit dati ang mga lupain ng mundo at nagmukha lamang hiwa-hiwalay dahil natunaw ang mga bundok ng yelo. Ito ang naging dahilan ang paglalakbay ng mga tao sa iba't ibang kontinente. Ngunit ayon naman kay propesor H. Otley Beyer, may mga tulay na lupa ang nag-uugnay sa pilipinas at sa mga karatig-bansa. Tinatayang ito nga ay nagsimula noong panahon ng yelo may 1.8 milyong taon na ang nakalilipas. Ito ang nagsilbing daanan ng mga taong dumadating sa pilipinas mula sa mainland asia. Ngunit ng dumating na ang panahon ng pagtunaw ng yelo, tumaas ang lebel ng tubig at natakpan o lumubog ang mga mabababaw na lupain kabilang na ang mga tulay na nagdurugtong sa pilipinas at sa mga karatig-bansa nito. 

3. Ilarawan ang katangiang pisikal at pang-asal ng mga Aeta, Malay at Indones.

Mga Aeta
maliit, maitim, makapal ang labi, kulot ang buhok, at sarat ang ilong 
nabuhay sa pamamagitan ng pangangaso, pangingisda at pagkuha ng prutas at halamang-ugat
Nabubuhay sila sa pangingisda gamit ang kanilang sumpit, busog at pana, at mga kagamitang yari sa bato

Mga Indones

Unang pangkat:
- Maputlang kayumangging balat, matangkad at balinkinitan ang pangangatawan, matangos na ilong, at may malapad na noo
Marunong silang pumana, mangisda, magkaingin at niluluto nila ang kanilang mga pagkain

Pangalawang pangkat:
- Mas madilim na kayumangging balat, malaki ang panga, makapal ang labi, malaki ang ilong, at malaki at bilog ang mata at malaki ang katawan
Mas maunlad ang kanilang pamumuhay kaysa naunang pangkat
- Nabubuhay sila sa pagtatanim ng palay at mga halamang-ugat at sa pangingisda

Mga Malay
- Kayumanggi ang balat, unat ang buhok, katamtaman ang ilong, may katangkaran
- May sariling pamahalaan, batas, panitikan, sining, agham, at sistema ng pagsulat
Nabuhay sila sa pagsasaka, pagmimina, pangingisda, at pagpapanday at paggawa ng  mga kagamitang  yari  sa  bakal
- May  kaalaman  sa sining, musika,  at  agham

4. Naniniwala  ka ba na malapit  na  kamag-anak  nating  mga  Pilipino  ang  mga  Taiwanese?  Bakit?
            Oo. Sapagkat   ayon   sa   aking   nakalap  na impormasyon:

 Reference:
http://en.wikipilipinas.org/index.php?title=Filipino_people

While there has not yet been a genetic study of great statistical significance about the ancestry of the various Philippine ethnic groups, there have been some studies, based upon very small samples of the population, which provide clues as to their origins.
For example, a Stanford University study conducted during 2001 revealed that haplogroup L predominates among Filipinos. This particular haplogroup is common among the southern Chinese, particularly among the Hoklo people. Another haplogroup, haplogroup H is also found among Filipinos. The rates of Haplogroup H is highest among the Taiwanese Aborigines. Overall, the genetic frequencies found among Filipinos pinpoints to the Ami tribe of Taiwan as their nearest genetic relative.
A 2002 China Medical University study indicated that certain Filipinos shared a particular gene marker that is also found among Taiwanese aborigines and Indonesians.

Furthermore, a 2003 University of the Philippines study based on 50 participants each from the islands of Luzon and Cebu provided some insight into the various places of origin of early Filipinos; some rare genetic markers were found that are shared by people from parts of Asia.

5.  Base sa iyong pagkakaunawa, ano ang mga katangian ng mga Pilipino noon  na mayroon  pa rin hanggang ngayon?

- Pagpapabukas ng kanyang mga gawain kahit maaari naman itong gawin ngayon
Pagtitiwala sa Maykapal/Pagiging Maka-Diyos
- Pagbubuklod ng mga mag-anak
- Malugod na pagtanggap sa mga bisita
- Pag- lilibing at pag-alala sa mga yumao 
- Bahala na system
- Mga paniniwala o pamahiin
- Iba't  ibang pagsasagawa ng tradisyon
- Pagsasagawa ng mga ritwal